Tinawag na kalbaryo sa Enero ng isang commuters group ang inihirit na P12 na umento sa pasahe ng mga grupo ng transportasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) President Atty. Ariel Inton, katumbas aniya ng P3 taas pasahe mula sa kasalukuyang P9 sa jeepney ay P156 dagdag gastos kada buwan para sa mga ordinaryong obrero.
Batay sa petisyong inihain ng mga transport group tulad ng LTOP, ALTODAP, ACTO, Pasang Masda at Fejodap, napapanahon nang itaas ang pamasahe sa mga jeepney dahil sa pagkalugi ng mga tsuper bunsod ng sigalot sa pagitan ng Iraq, Iran at Amerika.
Gayundin ang panibagong bugso ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sanhi ng malikot na paggalaw nito sa world market at ang bagong yugto ng pagpapataw ng dagdag buwis dahil sa TRAIN law.