Wala pang kasiguraduhan kung mapagbibigyan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit na apat na pisong taas-presyo sa Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, may karagdagang impormasyon pa silang hinihingi sa mga manufacturer upang masuri pa ito ng mabuti.
Posible naman aniyang kalahati lamang ng halagang kanilang hinihiling ang ibigay ng DTI o hanggang dalawang piso sakaling maaprubahan ang dagdag-presyo.
Paliwanag ni Castelo na ang apat na pisong hirit ay mahirap nang kayanin ng mga consumer, pero naiintindihan naman aniya nila ang sitwasyon ng Philippine Baking Industry dahil sa pagkalugi mula pa noong giyera sa pagitan ng Russia at Ukriane noong pebrero.
Posible namang ilabas ng DTI ang desisyon sa hiling na taas-presyo sa katapusan ng Oktubre o unang bahagi ng Nobyembre.