Handang dinggin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region ang hirit ng mga labor group na panibagong dagdag sahod.
Ito ang tiniyak ni Labor Undersecretary Ciriaco Lagunzad III matapos maghain ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines na humihiling na itaas sa 710 pesos kada araw ang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Aalamin anya ng board kung may sapat na batayan ang hiling na umento at kung magkakaroon ng isang “supervening condition” o hindi inaasahang pangyayari tulad ng kalamidad at digmaan ay diringgin nila ang hirit ng mga manggagawa.
Pero kung wala namang ganitong mga pangyayari ay mag-i-issue ang board ng desisyon.
Sa rules ng National Wages and Productivity Commission, ang anumang wage order ay maaari lamang ilabas isang beses kada taon at walang diringging petisyon sa salary hike sa loob ng 12-month period sa oras kung maging epektibo ang kautusan.