Pinag-aaralan na ng Sub-Committee on Labor Standards sa Kamara ang pitong panukalang batas na layuning itaas pa ang minimum wage sa gitna ng record-high inflation sa bansa.
Ayon kay House Committee on Labor and Employment Chairman Fidel Nograles, batid nila ang panawagan ng mga manggagawa na itaas ang sahod upang makasabay sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ini-refer anya nila ang minimum wage bills sa sub-committee upang matiyak na matututukan ang mga ito at makalikha ng isang unified bill.
Tiniyak naman ni Nograles na magdo-doble kayod ang Sub-Committee on Labor Standards upang i-reconcile ang iba’t ibang panukala.
Kabilang sa pinag-aaralan ang House Bills 525 ni Kabayan Party-List Rep. Ron Salo; 4471 ni Bukidnon Rep. Jose Ma. Zubiri, Jr., na target ipako sa P750 ang national minimum wage at 514 ni Cavite Rep. Jolo Revilla na humihirit ng P150 daily across-the-board increase.