Tiniyak ng Commission on Elections na pag-aaralan nila ang kahilingan ni Presidential Candidate Mar Roxas at ng Liberal Party na magkaroon ng Labing-apat na araw na extension sa paghahain ng SOCE o Statement Of Contributions and Expenditures.
Kasunod na rin ito ng pagkumpirma ng COMELEC na nagpadala ng liham sina Roxas at ang partido nito hinggil sa nasabing concern.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, pag-aaralan pa nila sa kanilang En Banc Session ang naturang usapin at kailangan din nilang makuha ang komento rito ng campaign finance office ng poll body.
Matatandaang nabigo si Roxas at ang Liberal Party na makapagsumite ng kanilang SOCE, sa kabila ng itinakdang deadline ng COMELEC kahapon.
By: Meann Tanbio