Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang legalidad ng hirit na palawigin pa ang validity ng Bayanihan to Heal as One Law (BAHO) ng tatlong buwan o hanggang Setyembre.
Kasunod ito ng pagtalakay ng Senado at Kamara sa panukalang humihiling na palawigin ang bisa ng nabangigit na batas na nagbibigay ng karagdagang kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.
Ayon kay Drilon, alinsunod sa Section 3 article 6 ng konstitusyon, humihinto o tumitigil na ang ibinigay na karagdagang kapangyarihan sa pangulo, oras na mag-adjourne na ang Kongreso.
Aniya, hindi awtorisado ang Kongreso na palawigin ang nabanggit na batas dahil walang nakasaad sa probisyon nito na maaari itong gawin.
Sinabi ni Drilon hindi na aniya katulad ng pagdedeklara ng martial law o suspensyon ng Privilege of Writ of Habeas Corpus ang Bayanihan to Heal as One Law.
Hunyo 6 nakatakdang mag-adhourne ang kongreso habang mapapaso naman ang Bayanihan Act sa Hunyo 24.