Itinakda na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Abril 6, alas-9:00 ng umaga ang hearing kaugnay sa hirit na adjustment ng fare rates para sa transportation network vehicle service.
Ayon kay L.T.F.R.B. Chairman, Atty. Winston Ginez, ang mga development sa global oil market ang dahilan kaya’t nagpasya ang board na repasuhin ang umiiral na fare rate ng mga TNV gaya ng Uber at Grab.
Ito, anya, ay upang matukoy kung kailangang taasan o babaan ang pasahe sa mga nabanggit na transport service.
Sa loob ng 15 araw bago ang petsa ng pagdinig ay maglalabas ang board ng notice of hearing sa mga diyaryo.
Dapat maghain ng written oppositions ang mga kokontra sa approval ng fare adjustment bago ang Abril 6 at magsumite ng position papers sa ahensya.
By: Drew Nacino