Pinuri ng isang grupo ng mga commuters ang ginawang paghirit ng bawas-pasahe ng mga bus operators sa kalakhang Maynila.
Ito’y matapos magsampa ng petisyon sa LTFRB ang Samahang Transport Operators ng Pilipinas o STOP Incorporated para igiit ang one-peso fare reduction.
Nakasaad sa petisyon ng STOP Incorporated na mula sa P12 ay magiging P11 na lamang ang minimum fare sa aircon buses sa Metro Manila.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Elvie Medina, Pangulo ng National Center for Commuters Safety and Protection, magandang hakbang ito sa panig ng industriya para sa kapakanan ng mga mananakay.
“Nakikita po namin na sila na mismo ang nag-aassess dahil malaki din naman po ang binabayad nila sa kanilang amortization ng mga bagong sasakyan, napakarami na po siguro mga 80 percent na ang mga bagung-bago na mga sasakyan na sa amin po ay napaka-kumportable.” Pahayag ni Medina.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita