Posibleng ikonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ng grupo ng mga negosyante na i-veto ang Security of Tenure Bill bago mapasa at tuluyang maging batas.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bagama’t walang nababanggit si Pangulong Duterte ukol sa enrolled bill, positibo siyang ikukunsidera ito ng punong ehekutibo.
Dagdag pa ni Panelo, marami lang mga dokumento pa ang kailangan lagdaan ng pangulo kaya’t hindi pa agad naaaksyunan ang panawagan ng mga lokal at dayuhang grupo ng mga negosyante.
Ang Security of Tenure Bill ang tutuldok sa “endo” o end of contract ng mga arawang manggagawa.