Wala pang plano na magbaba sa singil sa pasahe ang mga provincial bus operator sa kabila ng patuloy na pagbulusok ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Provincial Bus Operators of the Philippines Executive director, sa ngayon ay hindi pa nila kakayanin na magtapyas ng pasahe.
Ito’y dahil posible anyang muling tumaas ang presyo ng krudo.
Paliwanag ni Yague, nahihirapan din ang mga operator sa modernization ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
By: Drew Nacino