Hinihintay na lamang ang desisyon ng ikatlong dibisyon ng Sandiganbayan hinggil hirit na ipaarestong muli si dating Palawan Governor Joel Reyes.
Ito’y makaraang palayain ng Court of Appeals (CA) ang dating gobernador kaugnay sa kasong pagpatay sa brodkaster at environmentalist na si Dr. Gerry Ortega noong 2011.
Magugunitang pinayagan ding magpiyansa ng Anti-Graft Court si Reyes kasunod naman ng kinahaharap nito graft case dahil sa maanomalyang renewal ng mga small scale mining permit sa Palawan.
Gayunman, nanindigan ang kampo ni Reyes na hindi siya ‘flight risk’ o hindi siya magtatangkang tumakas palabas ng bansa at haharapin nito ang lahat ng kasong isinampa laban sa kaniya.