Handa na umanong mamatay ang Extra-Judicial Killing witness na si Edgar Matobato kaya’t isiniwalat nito ang Davao Death Squad at idinawit si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Senador Leila de Lima, dalawang taon ng nagtatago si Matobato matapos umalis sa witness protection program kaya’t naudyukan ito na lumapit sa Committee on Justice and Human Rights.
Isa anyang emisaryo ang lumapit sa kanya noong huling linggo ng Agosto upang abisuhan na nais ng magsalita ni Matobato sa Senate hearing hinggil sa extra-judicial killing.
Aminado si De Lima na nagpasaklolo siya kay Senador Antonio Trillanes upang bigyang proteksyon ang testigo sa pagtungo sa senado kahapon.
Bagaman inihirit ni Trillanes na isailalim sa Senate Custody si Matobato, ibinasura naman ito ni Senate President Aquilino “koko” Pimentel.
By: Drew Nacino / Cely Bueno