Ibinasura ng WBO o World Boxing Organization ang hirit ng Games and Amusement Board o GAB na imbestigahan ang naging gawi ng referee at istilo ng scoring ng mga judges sa laban nina Manny Pacquiao at Jeff Horn sa Australia noong Linggo.
Iginiit ng WBO na hindi na maaaring mabaligtad ang desisyon sa naturang laban, maliban na lamang kung may pandaraya at paglabag sa mga batas.
Inanunsyo naman sa Twitter account ni WBO President Paco Valcarcel na maaaring isagawa na lamang ang rematch dahil nakasaad naman ito sa kontrata.
Matatandaang nabigo si Pacquiao na depensahan ang WBO welterwight title makaraan siyang talunin ni Horn via unanimous decision.
By Meann Tanbio
Hirit na imbestigasyon sa Pacquiao-Horn fight ibinasura ng WBO was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882