Mariing tinutulan ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA ang mungkahi ni Congressman Amado Bagatsing na ipihit ang monumento ni Jose Rizal para paharapin sa Maynila.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni NCCA Legal Counsel Atty. Trixie Cruz Angeles na hindi kaaya-ayang iharap si Rizal sa kanyang “photobomber” na Torre de Manila.
Paalala pa ni Angeles, hindi basta-bastang monumento lang ni Rizal ang itinayo sa parke dahil ito rin ang lugar kung saan inilibing ang pambansang bayani.
“Parang pinapalabas natin na yung mga pinahahalagahan nating monumento ay movable, ano po ba ang mas importante yung commercial value ng Torre de Manila o yung monumento ni Rizal at ang kanyang mga ginawa?, baka nakakalimutan rin po ng ibang tao na hindi po ito simpleng monumento, andiyan po siya nakalibing.” Pahayag ni Angeles.
Una nang iminungkahi na i-ikot na lang ang posisyon ng Bantayog ni Rizal… Full Article Here: https://www.dwiz882am.com/index.php/bantayog-ni-rizal-iminungkahing-ibahin-na-lang-ang-posisyon/
By Jelbert Perdez | Kasangga Mo Ang Langit