Tumanggi ang Communist Party of the Philippines (CPP) na isuko sa pamalahaan ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na umako sa pagkamatay ng FEU football player na si Keith Absalon at kanyang pinsang si Nolven sa Masbate.
Ito ang tugon ng CPP matapos hamunin ni Armed Forces of the Philippines Spokesman, Maj. Gen. Edgard Arevalo ang mga komunista na isuko sa gobyerno ang mga rebeldeng sangkot sa pagpapasabog ng landmine na ikinasawi ng magpinsan.
Ayon kay Marco Valbuena, chief information officer ng CPP, hindi naman sa ayaw nilang bigyang katarungan ang mga naulila, pero dahil ang rebeldeng grupo ang may hurisdiksyon sa mga akusado.
Una nang inako ng CPP-NPA ang pagkamatay ng mga absalon matapos magkamali umano sa isinagawang aksyon ang mga rebelde bagay na kanilang ipinaghingi ng tawad sa pamilya ng mga biktima. — sa panulat ni Drew Nasino.