May basehan ang militar sa hirit nito sa Department of Justice (DOJ) para kunin ang kustodiya ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Philippine Navy Spokesman Col. Edgard Arevalo, isang military officer si Marcelino kaya’t saklaw ito ng military law at dapat ipiit sa isang military-controlled facility habang iniimbestigahan sa posibleng paglabag sa Articles of War.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Anti-Illegal Drugs Group si Marcelino sa Camp Bagong Diwa sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology.
Bilang batayan ng kanilang argumento, binanggit ni Arevalo ang section 3-C ng executive order number 106 series of 1937.
“Itinatalaga doon na sinumang kagawad ng Armed Forces of the Philippines na nahuli ng ibang law enforcement agencies kagaya ng pulis ay dapat iturn-over sa pinakamalapit na AFP authorities ang nasabing personnel ng AFP para doon magsagawa ng investigation, that’s under the law.” Pahayag ni Arevalo.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita