Posibleng dumaan sa butas ng karayom sa Senado ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng immunity from criminal prosecution ang pamilya Marcos.
Ito, ayon kay Senador Antonio Trillanes, ay dahil malalim ang issue na may kaugnayan sa mga Marcos.
Maaari aniyang manumbalik ang mga usapin partikular ang paglabag sa karapatang pantao ng rehimeng Marcos noong Martial Law kapag isinulong ang pagbibigay ng immunity sa kapalit ng pagsasauli ng nakaw umanong yaman ng pamilya.
Inihayag naman ni Senador Panfilo Lacson na marami pang dapat na ikunsidera sa usapin ng pagbibigay ng immunity kaya’t daraan pa ito sa mahabang talakayan.
Wala pa aniyang katiyakan kung hihilingin ni Pangulong Duterte sa Kongreso na bigyan ng immunity ang pamilya Marcos.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW: RPE