Tinawag na kalokohan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang panawagan na mag-inhibit sa panibagong imbestigasyon sa Mamasapano incident ang mga kumakandidatong senador.
Nagtataka si Enrile kung bakit kailangang mag-inhibit sina Public Order Chairman Grace Poe at ibang kumakandidatong senador gayong ginagampanan lamang nila ang kanilang tungkulin.
Iginiit ni Enrile na kesyo kumakandidato ay hindi na kayang maging patas sa paglahok sa Senate inquiry sa kabila nito, tiniyak ni Enrile na walang personalan sa pinatawag niyang panibagong imbestigasyon sa Mamasapano incident at magiging objective sila rito.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)