Kinontra ng proseksuyon ang hirit ni Senador Ramon Bong Revilla Jr.sa Sandiganbayan na makaboto sa darating na eleksyon sa Mayo 9.
Sa isinagawang pagdinig ng Anti-Graft Court, sinabi ng mga taga-usig na dapat munang humingi ng clearance ang kampo ni Revilla mula sa pamunuan ng COMELEC at ng pulisya.
Dapat anila kasing makatiyak na magiging ligtas ang senador lalo’t nakatatanggap sila ng mga ulat na mainit ang girian sa pagitan mga tumatakbong kandidato partikular sa bayan ng Bacoor na siyang baluwarte ng senador.
Binigyang diin pa ng mga taga-usig na maliban sa banta ng rebeldeng New People’s Army o NPA, itinuturing din ng COMELEC at PNP ang nasabing bayan bilang election hotspot.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)