Pinayagan na ng Sandiganbayan ang hirit ni Senator Jinggoy Estrada na pansamantalang makalabas sa PNP Custodial Center para sumailalim sa ilang medical test.
Sa mosyon ni Estrada, sinabi nitong patuloy na sumasakit ang kanyang kaliwang tuhod kaya’t kinakailangan itong sumailalim sa x- ray at magnetic resonance imaging o MRI para sa evaluation ng kanyang kondisyon.
Natakdang dalhin sa Cardinal Santos Medical Center ang senador sa lalong madaling panahon.
By Rianne Briones