Malamig ang Malakaniyang sa naging hirit ni Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo na ipagpaliban ang 2020 national at local elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, isa aniyang serbisyo publiko ang pagsasagawa ng eleksyon na nakatadhana sa saligang batas na hindi maaaring mabalam o maunsyami.
Giit ng kalihim, bagama’t may kinahaharap na pagsubok sa pagdaraos ng halalan dahil sa COVID-19 pandemic, hindi pa rin maaaring baguhin kung ano ang nakasaad sa konstitusyon.
Dagdag pa ni Roque, may sapat pa aniyang panahon para paghandaan ang halalan sa taong 2022 o dalawang taon mula ngayon.