Hindi dapat ipalit sa hirit ng mga jeepney operator na gawing katorse pesos ang minimum fare sa pisong provisional increase sa pasahe na una nang ipinatupad ng LTFRB Sa NCR, Regions 3 at 4-A.
Ayon kay Senator Risa Hontiveros, ang ipinatupad na P10 minimum fare ay provisional increase lamang, na rate pa noong 2018 kung saan nasa P40 pa ang presyo ng kada litro ng diesel.
Gayunman, na-doble na ang presyo nito dahil sa walang prenong oil price hike na pinalala ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Kung nais anyang patuloy na tumakbo o mag-operate ang public transportation ay dapat mas palawakin o palawigin ang service contracting program.
Iginiit ng senador na dapat gamitin na rin ang nakokolektang excise tax upang mapalakas at mapahusay ang public transportation sa bansa.