Muling ipinanawagan ng Trade Union Congress of the Philippines, ang pinaka-malaking samahan ng mga manggagawa sa bansa, ang pagpasa sa 150 peso legislated across-the-board daily wage hike.
Ipinunto ng TUCP na kailangan ng mga obrero ang naturang umento sa gitna na rin ng increase sa private sector na inaprubahan ng 15 mula sa 16 na rehiyon.
Ayon kay TUCP. Vice President Luis Corral, napapanahon na ang dagdag sahod bunsod ng tumataas na presyo ng pagkain, singil sa kuryente, SSS contribution at naka-umang pa ang fare hike sa LRT-line 1.
Una nang naghain ng petisyon ang LRT-1 Operator na Light Rail Manila Corporation para sa kanilang hirit na dagdag singil na hanggang 15 pesos sa pasahe.