Hindi makatwiran ang hirit ng transport groups na dalawang pisong dagdag sa pasahe ng mga commuter sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay Elvira Medina , Presidente ng National Center for Commuter Safety and Protection, ipako muna sa piso ang dagdag pasahe sa kasalukuyan at saka na lamang magkaroon ng karagdagan pang piso kapag naipatupad na ang planong jeep modernization.
Gayunman, aniya, naiintindihan niya ang paghihirap ng mga driver lalo’t sunud-sunod ang nangyaring pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.
—-