Tila imposibleng itaas sa 750 pesos ang minimum wage sa Metro Manila.
Inamin ito ng DOLE Department of Labor and Employment matapos ihayag ng Migrante na mahigit dalawandaang libong (200,000) OFWs o Overseas Filipino Workers ang hindi na magtatrabaho sa ibang bansa kapag itinaas ang sahod.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi basta-bastang maitataas ang sahod ng mga manggagawa sa Pilipinas.
Gayunman, ang tangi aniyang magagawa niya ay himukin ang investors na mamuhunan sa bansa para makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
By Judith Larino
Hirit na P750 minimum wage sa Metro Manila imposible—DOLE was last modified: April 18th, 2017 by DWIZ 882