Posibleng magdulot ng mass layoff o pagkawala ng trabaho ng maraming manggagawa, sakaling aprubahan ang panukalang 750 pesos national minimum wage bilang solusyon para maibsan ang epekto ng ipinatutupad na bagong tax reform program.
Ito ang nakikitang pinakamatinding senaryo ng ECOP o Employers Confederation of the Philippines.
Ayon kay ECOP Director General Jose Roland Moya, maging ang kumpanya ay pinapasan at nahihirapan din sa epekto ng TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law dahil sa pagtaas ng presyo ng mga raw materials.
Iginiit ni Moya, sakaling ipag-utos ng pamahalaan ang nasabing omento sa sahod, posibleng magdusa at malugi ang mga negosyo na magdudulot naman ng pagsasara o pagtatanggal ng mga manggagawa.
Gayunman binigyang diin ni Moya na ang kanyang pahayag ay hindi banta kundi isang katotohanan na malaki ang posibilidad na mangyari.
—-