Tutol si presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion sa hirit ng Philippine College of Physicians na ibalik ang 7- day quarantine para sa mga pasaherong papasok sa bansa.
Ayon kay Concepcion, hindi na kailangan ang hakbang dahil hindi na ito umiiral sa alinmang bansa sa mundo.
Gayunman, mayroon na ring ibang patakaran na ipinatutupad sa bansa, gaya nang nasa Europa at Amerika.
Samantala, naniniwala ang negosyante na hindi ang bagong variant ng Omicron ang nakita sa 15 dayuhang turistang bumisita sa Palawan na nagpositibo sa COVID-19.