Nasa kamay na ng susunod na administrasyon ang pasya kung palalawigin pa o hindi na ang libreng-sakay, lalo sa MRT-3.
Nilinaw ni MRT-3 general manager Michael Capati na kailangan ng karagdagang pondo mula sa gobyerno sakaling palawigin ang free-ride.
Batay sa datos ng MRT-3, aabot sa 4.9 million pesos kada araw ang gastos sa libreng-sakay.
Hanggang nitong Mayo 24, nasa 286.1 million pesos na ang nalugi sa naturang rail transit simula nang ilarga ang free-ride.
Sa kabila nito, tiniyak ni Capati na nagpapatuloy ang maintenance ng kanilang mga pasilidad upang maserbisyuhan nang maayos ang mga mananakay.
Umaasa naman ang MRT official na ipagpapatuloy ng Marcos administration ang kanilang nasimulan.