Dedesisyunan na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo ang hiling ng mga manufacturer na magtaas ng presyo ng ilang basic goods.
Bunsod ito ng walang prenong pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo na pinalala ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, hawak na nila ang request ng mga manufacturer para sa price increase ng 33 Basic Necessities and Prime Commodities (BNPC)
Nagsasagawa na anya ang DTI Ng pag-aaral at konsultasyon sa stakeholders.
Kabilang sa mga humihirit ng dagdag-presyo ang mga manufacturer ng de latang sardinas, de latang karne at gatas.
Ipinunto naman ni Lopez na hindi maaaring i–adjust ang suggested retail prices ng mga BNPC Nang walang approval ng kagawaran.