Bukas si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa inihihirit na motion for reinvestigation ng kampo ni SPO3 Ricky Sta Isabel.
Tiniyak ni Dela Rosa na hindi niya haharangin ang pagsasagawa muli ng imbestigasyon basta’t hindi ito gagamiting paraan ni Sta. Isabel para magmalinis at magdiin ng ibang tao.
Iginiit ni Dela Rosa na malakas ang hawak nilang ebidensya laban kay Sta Isabel at umaasa siyang makatutulong ito sa mabilisang pagresolba ng kaso ng napaslang na Koreano.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal