Inihayag ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez na malabo na magkaroon pa ng special session para sa panukalang pagpapalawig ng bayanihan to recover as one act o Bayanihan 2.
Ayon kay Romualdez, ang Bayanihan 2, na nakatakdang mapaso sa Hunyo 30, ay hindi napag-usapan sa pulong sa Malacañang noong Hunyo 24.
Paliwanag pa ng mambabatas, nagiging mahirap para magsagawa ng special session bago ang Hunyo 30, lalo na’t hindi pa umano naglalabas ng certification of urgency para dito ang Palasyo.
Sinabi pa ni Romualdez na nakadepende sa Malacanang kung magpapatawag ng special session.
Nasa mahigit P18 bilyon pa ang hindi nagagamit na pondo sa ilalim ng Bayanihan 2, na ibabalik sa Bureau of Treasury sa oras na ma-expire na ang batas salig sa probisyon nito.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico