Isasagawa na ang unang pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa hirit ng ilang transport groups na “Surge fee” tuwing rush hour sa November 15.
Sinabi ni LTFRB executive director Robert Peig na ito ay para mabigyan ang mga stakeholders ng sapat na oras para magdesisyon sakaling may tumuligsa sa naturang apela.
Tiniyak naman ni Peig na magiging balanse ang lahat ng dahilan upang makapagbigay ng makatwirang desisyon.
Kabilang sa mga naghain ng petisyon ay ang PASANG MASDA, ACTO at ALTODAP.
Sa ilalim ng petisyon, nais ng mga transport group ang dagdag pisong singil sa tradisyonal at modernong jeep at dalawang piso naman sa mga bus tuwing alas-5 hanggang alas-8 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
layon naman ng nasabing panukala na maibsan ang pasanin ng mga tsuper sa kabila ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo. —sa panulat ni Hannah Oledan