Nanindigan ang Duterte administration na hindi dapat suspendihin ang pagpapataw ng Excise Tax sa oil products sa kabila ng hindi maawat na pagtaas ng presyo nito.
Iginiit ni Acting Presidential Spokesman at PCOO Secretary Martin Andanar na ginagamit ang nasabing buwis upang pondohan ang mga programa ng gobyerno.
Ang nakokolekta anyang Excise Tax ay ibina-budget din para sa sweldo ng mga guro, Build, Build, Build Program at iba pang proyekto.
Ipinauubaya na naman ng Malakanyang sa incoming administration ni President-Elect Bongbong Marcos ang pagpapasya kung pananatlihin nito ang polisiya.