Inalmahan ni Sen. Imee Marcos ang hirit ng ilang manufacturers na dagdag presyo sa kanilang noche buena products.
Giit ni Marcos walang dapat na maging pagtaas sa presyo dahil mababa ang exchange rate, may umiiral price freeze at mababa din aniya ang gastos sa transportasyon ng mga produkto.
Ayon pa sa Senadora, hindi ito ang panahon para mag-mahal ang mga produkto dahil marami sa mga Pinoy ngayon ang hikahos sa buhay dahil sa epekto ng pandemya.
Kapag nagkataon aniya magiging dagdag pasanin na naman ito sa mga Pinoy at hindi man lang makapag handa ng kahit kaunti sa Pasko.
Dahil dito inihirit ni Marcos sa Department of Trade and Industry na ibasura ang apila ng mga manufacturer.