Tiniyak ng Department of Trade and Industry na hindi aaprubahan ang hirit na dagdag-presyo sa mga pangunahing bilihin ngayong may pandemya.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, buo na ang desisyon ni Secretary Ramon Lopez na wala munang magiging paggalaw sa presyon ngayon panahong ito.
Ani Castelo, tiyak naman nilang mauunawaan ito ng mga manufacturer lalo’t ito’y makatutulong sa mga mamimili.
Kaugnay nito, makikita sa website ng DTI ang listahan ng mga produkto at brand na sakop ng Suggested Retail Price (SRP).