Hindi lahat ng mga manggagawa ay nakikinabang sa tuwing nagtataas ng suweldo.
Ayon ito kay Sergio Ortiz Luis, Jr., Pangulo ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa gitna ng mga panawagang umento sa sahod dahil sa serye ng oil price hike at pagtataas ng mga bilihin.
Binigyang diin sa DWIZ ni Luis na 90% ng mga manggagawa na nasa informal sector o walang employer ang hindi nabibiyayaan ng dagdag sahod.
Bukod dito, sinabi ni Luis na hindi maiiwasang bawiinng employers sa presyo ng produkto sakaling magkasa ng salary increase sa kanilang mga manggagawa at makakaapekto naman sa inflation.