Pinag-aaralan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit na taas-presyo ng mga manufacturer ng ilang pangunahing bilihin.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, kabilang sa mga humihiling ng taas presyo ay mga manufacturer ng ilang brand ng sardinas, karneng de-lata, gatas, kape, condiments, at sabong panlaba.
Aniya nasa 2% hanggang 13% o katumbas ng P0.50 hanggang P2.00 sa kada item ang inihihirit na taas-presyo ng mga ito.
Gayunman sinabi ni Castelo na kanilang sinisikap na walang maging paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Setyembre nuong nakaraang taon huling mapalitan ang halaga ng suggested retail price (SRP) ng mga pangunahing bilihin.