Tatlong buwan na magtataas ng singil sa kanilang mga sineserbisyuhan ang MERALCO o Manila Electric Company.
Ito’y makaraang aprubahan ng ERC o Energy Regulatory Commission ang dalawampu’t dalawang sentimos (P0.22) na dagdag-singil para sa generation charge ng MERALCO mula Marso hanggang Mayo.
Ayon kay ERC Chair Jose Vicente Salazar, mas mababa ito kumpara sa tatlumpung sentimos (P0.30) na dagdag-singil na inihihirit ng MERALCO.
Batay aniya sa ginawnag pagkukuwenta ng ERC, sobra-sobra ang hinihirit na taas singil ng MERALCO dahil napag-alamang aabot lamang sa mahigit isang bilyong piso ang kanilang fuel cost kumpara sa mahigit dalawang bilyong pisong iniulat sa kanila ng nasabing power distributor.
By Jaymark Dagala