Ibinasura ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang hirit na taas-singil sa kuryente ng Meralco, South Premiere Power Corporation (SPPC), at San Miguel Energy Corporation (SMC).
Desisyon ito ng ERC matapos ang masusing pag-imbestiga sa petisyon na inihain ng Meralco at mga units ng SMC Global Power Holdings Corporation, para sa pansamantalang adjustment na nakapaloob sa power supply agreements na nilagdaan noong 2019 para marekober ang kanilang gastos sa langis.
Ayon sa ERC, bilang isang ahensya ng gobyerno ay inaasahan nila na ang SMC at SPPC ay gagawa ng paraan para masolusyunan ang problema kasabay ng pagtiyak ng pagsunod sa mga obligasyong kontraktwal nito.
Inihayag naman ng ERC na alinsunod ang kanilang desisyon sa mandatong protektahan ang mga consumers, mapigilan ang market abuse at masigurong transparent ang presyo ng kuryente itinatadhana sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).