Pabor si Vaccine Czar Carlito Galvez sa rekomendasyon ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na huwag ng isuot ang face shields sa mga pampublikong lugar bukod sa high-risk o critical areas tulad ng medical facilities.
Ayon kay Secretary Galvez, suportado niya ang hirit ng Metro Mayors na gawin na lamang voluntary sa halip na mandatory ang pagsusuot ng faceshield.
Umaasa naman ang kalihim na agad mailalabas ang guidelines sa pag-lift sa mandatory use ng face shields sa Metro Manila sa oras na aprubahan ng IATF ang rekomendasyon ng MMC.
Magugunitang tinanggal na sa mga lungsod ng Maynila, Davao at Iloilo ang mandatory faceshield rule. —sa panulat ni Drew Nacino