Aminado ang Governance Commission for GOCC o GCG na malabong bawasan ang suweldo ng mga opisyal ng Social Security System (SSS).
Ito’y upang mapagbigyan ang hirit ng mga senior citizen at retirado na dagdag pensyon na kahit P1,000 na lamang.
Ayon sa GCG, hindi maaayos ang problema at ma de – demoralize pa ang mga empleyado ng sss kung babawasan ang kanilang suweldo.
Iginiit ng GCG na mayroon namang ibang paraan upang mapagbigyan ang dagdag na pensyon ng mga retirado.
Kabilang sa natatanggap ng mga Commissioner ng SSS ang P40,000 na bayad kada board meeting na inaabot ng 24 na beses sa loob ng isang taon.
Tumatanggap din ng P24,000 ang mga Commissioner tuwing may committee meeting na inaabot din ng 24 na beses kada taon.
By: Drew Nacino