Nanganganib na tumaas ang presyo ng mga ibinibiyaheng produkto at pasahe sakaling ituloy ang planong pagtaas ng singil sa toll fee sa North Luzon Expressway at Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX.
Ayon kay Elvira Medina, Pangulo ng National Center for Commuter Safety and Protection, napakaraming produkto ang iniluluwas sa Metro Manila mula sa Norte.
Masasabay pa anya ito sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na matindi na rin ang tama sa mga pampasaherong sasakyan.
Bahagi ng pahayag ni Elvira Medina, Pangulo ng National Center for Safety and Protection
Ayon kay Medina nakatakda silang maghain ng petisyon upang mabigyan ng linaw hindi lamang ang isyu ng toll fee increase kundi maging ang iba pang isyung nakakaapekto sa mga commuters.
Kabilang anya dito ang kawalan ng storm drain ng NLEX na nagiging dahilan para bumuhos lahat sa kabahayan ang tubig mula sa NLEX kapag malakas ang pag-ulan.
Bahagi ng pahayag ni Elvira Medina, Pangulo ng National Center for Safety and Protection
By Len Aguirre | Ratsada Balita