Kinatigan ng Quezon City Regional Trial Court ang hirit na Temporary Restraining Order ng Angkas kaugnay sa 10,000 rider cap na ipinataw ng Technical Working Group (TWG).
Ayon sa naging ruling ng QC RTC branch 223 ni Judge Catherine Monodon, maaring magdulot ng irreparable injury sa mga rider kung maipatutupad ang naturang bahagi ng revised guidelines ng TWG.
Sa revise guideline ng TWG ay mayroon lamang dapat na 30,00 motorcycle taxis sa Metro Manila kung saan tig 10,000 bawat ang 3 motorcycle hailing company.
Dahil sa TRO, maari pa ring magbyahe ang lahat ng dati nang nakarehistro sa Angkas dahil hindi muna maipapatupad ang revised policy ng DOTR at TWG.
Bigo naman pagbigyan ng Korte ang hirit na TRO ng Angkas laban sa 2 bagong providers.