Bigong aksyunan ng Court of Appeals 4th Division ang hirit na TRO o Temporary Restraining Order ng kumpaniyang Mighty Corporation para harangin ang ginagawang raid ng Bureau of Customs sa kanilang mga bodega.
Ayon kay 4th Division Chairman Justice Jose Reyes, ito’y dahil sa may urgent leave ang ikatlong miyembro ng dibisyon na si Associate Justice Nina Valenzuela kaya’t ipinagpaliban kahapon ang nasabing pagdinig.
Batay sa ilalim ng rules ng Appellate Court, hindi maaaring ituloy ang pagdinig kapag kulang ng isa ang miyembro ng dibisyon o di kaya’y walang warm body na maihaharap sa pagdinig dahil sa kawalan ng panahon.
Kasunod nito, binigyan ng limang araw na palugit ng appellate court ang Mighty Corporation para sagutin ang naging komento ng Solicitor General sa kanilang petisyon.
Muling itinakda sa Mayo a-dos ang susunod na pagdinig hinggil sa inihaing petisyon ng nasabing kumpaniya, ganap na alas dos ng hapon.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo