Malabo pa sa ngayon na mapagbigyan ang inihihirit na umento sa suweldo ng mga manggagawa sa gitna na rin ng napakamahal na presyo ng mga bilihin.
Inihayag ito sa DWIZ ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz – Luis bilang reaksyon sa panawagan ng labor groups na itaas sa P750 ang minimum wage lalo na sa Metro Manila.
Ayon kay Ortiz – Luis, bagama’t nauunawaan nila ang hirap na dinaranas ng mga manggagawa subalit doble aniya nito ang dinaranas ng mga employer.
Marami aniya ang ngayon pa lamang nakababangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic kaya’t naniniwala silang hindi pa napapanahon para pag-usapan ang umento sa suweldo.