Pinaga-aralan na ng Department of Transportation (DOTr) ang petisyong taas-pasahe ng Light Rail Transit (LRT) Line 1.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, aabot sa P16.46 ang magiging on board fare mula sa P11.00.
Huling nagtaas anya ang Light Rail Manila Corporation (LMRC) noon pang 2015 kaya masusing pino-proseso ang pag-apruba sa hirit na fare hike.
Samantala, sinabi ni LRMC President at CEO Juan Alfonso na malaking tulong ito para sa kanilang rehabilitasyon at pagsasaayos ng serbisyo. —sa panulat ni Jenn Patrolla