Muling ibinasura ng Pilipinas ang hirit ng Amerika na mag-patrol sa West Philippine Sea ang mga barko ng US Navy.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi nila papayagan na gamitin ang teritoryo ng Pilipinas bilang staging ground upang mag-patrol ang Amerika.
Maaari naman anyang gamitin ng mga US warship at plane ang Guam o Okinawa, Japan para sa kanilang misyon sa South China Sea.
Gayunman, maaari namang mag-refuel at resupply sa Pilipinas ang mga US forces.
By Drew Nacino