Natanggap na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang tugon ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang hiling na payagan ang mga atleta, coach at delegado ng 2022 Southeast Asian Games na makaboto sa ilalim ng Local Absentee Voting (LAV) provision para sa 2022 Elections.
Humingi naman ng paumanhin ang COMELEC matapos hindi pagbibigyan ang hirit ng PSC alinsunod sa Omnibus Election Code, Executive Order 157, Republic Acts 7166 at 10380 at COMELEC Resolution 10725.
Nakasaad sa mga nasabing batas na tanging apat na personnel mula sa apat na grupo ang maaaring lumahok sa LAV.
Ang pribilehiyo ay para lamang sa mga government official, mga empleyado, miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakatalaga sa mga lugar kung saan sila hindi nakarehistro.
Kahit ang mga miyembro ng media na nagkokober o kumukuha ng ulat sa Halalan ay pasok sa absentee voting.
Isinasaad sa liham ng poll body na ang mga atleta, coach at delegado ay hindi bahagi ng nabanggit na grupo na mayroong tungkulin sa eleksyon.