Kinuwestiyon ng iba’t ibang grupo ang hirit na water rate hike ng Manila Water at Maynilad.
Ito ay sa pag-arangkada ng public consultation kaugnay sa naturang usapin.
Ipinagtaka ni Renato Reyes ng grupong Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN kung bakit kailangan magtaas ng singil sa tubig ng dalawang water concessionaires gayung malaki naman ang kinikita ng dalawa.
Ayon kay Reyes, aabot sa 6.5 bilyong piso ang net income ng Manila Water noong 2017, samantalang 7.4 na billion ang pumapasok na kita ng Maynilad.
Nangangamba naman si Bayanmuna Party-list Representative Neri Colmenares na posibleng maging kawawa na naman sa huli ang mamamaya sakaling may ipasan na halaga sa mga konsumer ang water concessionaires.
—-