Umalma ang Government Service Insurance Service (GSIS) sa findings ng Commission on Audit (COA) na illegal ang tig-P100,000 insentibo na ipinamigay ng ahensya sa mga empleyado ng GSIS.
Ayon kay Clint Aranas, pangulo at general manager ng GSIS, dumaan at aprubado ng Civil Service Commission ang kanilang galing sa pagkilala incentive.
Sa report ng COA, itinuturing na illegal expenditure ang service incentive na umabot sa P260-M dahil wala itong rekomendasyon mula sa Department of Budget and Management at walang approval ng pangulo na naaayon sa section 5 at 6 ng Presidential Degree No. 1597.
Yes, susundin namin ang CSC because that is how we incentivize our employees otherwise demoralize ‘yung mga nagtatrabaho ng maayos. Dalawin niyo ang GSIS, tignan niyo naman magserbisyo ang mga tao d’yan. So that’s why they get rewarded by our Civil Service Commission. (…) and these are based on the awards we give the GSIS. Ibig sabihin, hindi nga to individual award, e. These are agency award,” ani Aranas.
Ratsada Balita Interview